KAMUSTA KANA?
messenger: kamusta kana?
you: okay naman me
Pag nakaka receive ka ng message na kamusta kana? ano ang pumapasok sa isip mo?
Syimpre mag-tataka ka after so many years biglang magtatanong siya ng kamusta kana?
O kaya di naman kayo close, so bakit mangangamusta diba!
May feeling ka ba nang ganito… naku nangamusta feeling ko mangungutang ito ng pera.
O di kaya naman, nangamusta ka gusto mo lang malaman kong gano na ka-miserable ang buhay ko o kaya gusto mo lang malaman kong naghihirap na ba ako.
Kaya minsan seen lang ang peg sa message. O kaya naman ang sagot mo Okay lang naman ako.
Kanino mo tinatanong ang KAMUSTA KANA?
Kaylan ba dapat mangamusta?
Kailangan mo ba talagang kamustahin siya kahit na sasagot siya or hindi?
May time ka pa bang mangamusta?
Bakit ako mangangamusta eh sila nga / siya nga di ako kinakamusta!
Ang tanong na pangangamusta is a show of care. You ask the person because you care.
Kong ikaw ay kinamusta, papano ka naman sasagot? Whether you feel the person who ask or not, answer it with a good heart.
We all know that depression is increasing. Depression causes illness sometimes committing suicide. Ang mahirap pa nito, yong iba they don’t admit that they are undergoing depression. Or maaaring di nila alam. Denial stage ika nga. When you isolate yourself, and just answered “I am okay” pero di naman totoong okay ka, you are emotionally exhausted. Accept that you need help.
Kong ikaw naman ang mag-tatanong ng kamusta kana. Dapat ready ka din to accept the person’s reply. How you will answer the person if he/she said I am not okay. Papano kong ang kailangan niya ay pera, what you will do?
What I learned, ang pangangamusta or pag send ng message ay pag papakita that you care, pero you also need to take action like kong meron kang close relatives or far away relatives or neighbors na kailangan ng money support, maliit man or Malaki.. malaking bagay na yan na tulong.
Pakiramdaman mo din kong ano talaga ang need ng isang tao. At kong papano ka makakatulong either moral or financial support.
K – kamustahin mo ang isang kaibigan, pamilya, kamag-anak or kapitbahay with a three words “How are you” para mas may feelings “Kamusta ka na?
A – alamin mo ang kanyang sitwasyon. Wag mo icompare ang buhay mo sa buhay niya. Maaaring mas grabe ang problema niya kompara sayo or vice versa. Nandiyan ka para magbigay ng support, may problem ka man or wala.
M – magbigay respeto at pag-unawa. Kong ano man ang kanyang binahagi sayo, irespeto mo ito. I-apply mo ang confidential. Wag mo ichismis at wag mo ikalat, upang hindi masira ang credibility mo. Minsan ma-ikwento mo ito sa iba, sasabihin mo wag mo sabihin na sinabi ko sayo, secret lang ito. Ang tanong, yong pinag kwentohan mo ba, ay kaya niya mag keep ng secret. At kahit na ba, kanino ba sinabi, di ba ikaw ang first hand of information, so ibig sabihin you keep it with you, unless you ask permission to share his/her situation.
U – umalalay ka kapag siya ay naghihinagpis sa pamamagitan ng pakikinig. Avoid giving solusyon kong ano dapat niya gagawin. Makinig ka lang, haayan mo siyang mag-express ng kanyang nararamdaman.
S – samahan mo siya hanggang sa magsabi siya na “okay na ako”. After ka mangamusta, make sure na balikan mo siya, “follow through” ask the feelings. Alamin mo if may changes, improvement sa kanyang situation.
T – tapat ka bilang isang kaibigan or ka-pamilya sa ano man ang mangyari. Hindi ka mang-iiwan sa ere.
A – asahan mo ang Panginoon na ang bawat situation ay may spiritual significance. Isama mo siya sa iyong panalangin.
Kong kailangan niya ng financial support, kong meron ka, maliit or malaki, magbigay ka. Kong may oras ka, at kong safe, bisitahin mo siya. Simpleng video call/chat isang malaking bagay yan para sa isang kaibigan, pamilya, kapitbahay sa panahon na ito.
Kamusta kana?